A second serving of Kape't Pandasal...
Treat yourself to another helping of today's
early morning reflection from JesCom.
Catch Kape't Pandasal on ABS-CBN,
Mondays to Fridays, 5:13 a.m.
|
Mass Cards Online
| May kailangan ka bang patawarin? (Paghahanda para sa Ebanghelyo ngayong Linggo, Set. 12) |
|
|
|
|
Malalim ang Ebanghelyo natin ngayong parating na Linggo. Para makuha ang lahat ng kaya nating makuha mula rito, simulan na natin ang pagdarasal tungkol dito. Kasama si Bro. Jun-G at ang iba pang miyembro ng ating virtual community, ating pagmunihan ang Mabuting Balita sa darating na Linggo, Setyembre 12. Tignan natin ang ating buhay, at iharap natin ito sa Ebanghelyo...
Mga RTW at mga alahas ang negosyo ng aking mga magulang noon. Sa bahay inilalagak ang mga bagong damit at alahas na ibinebenta. Dahil dito, laging napupuno ng mga kaibigan ng magulang ko ang aming bahay. Lumago ang negosyo ng aking mga magulang kaya naman kinailangan na ng mga distributor upang pamahalaanan ang negosyo nang mabuti. Madaling nagtiwala ang aking mga magulang sapagkat ang mga distributor ay matatalik na kaibigan at kapamilya rin. Ngunit, dumating ang masaklap na pangyayari nang dalawa sa mga distributors ang nagtakas ng mga alahas. Napakalaking halaga ang nawala sa negosyo. Upang mabayaraan ang mga utang na dulot ng pangyayaring ito, naibenta ang ilan sa aming mga ari-arian. Naapektuhan ang aming pamumuhay. Kamuntikan na akong hindi makatapos ng pag-aaral dahil wala na kaming perang pambayad ng aking matrikula. Ang pangyayari ring ito ang isa sa mga dahilan kung bakit nauwi sa ganap na pagkalugi ang negosyo. Sa tuwing naiisip ko noon ang pangyayaring ito, hindi ko maiwasang kamuhian ang mga tumakas na mga distributors. Sa loob-loob ko: Mga matalik pa naman silang kaibigan ng aking mga magulang, pero nagawa nilang manloko. Isa itong gawain ng mga taong walang puso. Nagalit ako. Lumipas ang mga taon at nakaahon din ang aking magulang sa pagkaluging iyon. Nakatapos rin ako ng high school at nakapagpatuloy sa kolehiyo. Nabawasan ang aming problema sa pera. Kahit papaano, nagkaroon na rin kami ng kaginhawaan sa buhay. Isang araw, inutusan ako ng aking ina na bumili ng meryenda. Meron daw kaming bisita. Nalaman ko na sila ang mga distributor na tinakasan kami. Humihingi sila ng kapatawaran sabay ang paghingi rin ng tulong sapagkat kapos na kapos sila sa pera. Sinabi ko sa isip ko, “Ang kapal ng mga mukha ng mga ito.” Nakita kong may iniabot na pera ang aking ama sa kanila bago nila nilisan ang aming bahay. Hindi ako makapaniwala sa kabutihang ipinakita ng aking mga magulang. Galit na galit akong humingi ng paliwanag mula sa aking ama at simple lang ang kanyang sagot, “Eh, nangangailangan sila eh.” Ang reaksyong ito ng aking mga magulang ay maihahambing ko sa reaksyon ng ama na nabanggit sa Ebanghelyo natin sa parating na Linggo. Nagkasala ang anak ngunit noong bumalik siya sa kanyang ama, tinanggap siya ng kanyang ama na sobra-sobra ang kagalakan. Hindi inalintana ng ama ang naging kasalanan ng anak, bagkos mas mahalaga sa kanya ang pagbabalik ng kanyang minamahal na anak. Ipinapakita ng Ebanghelyo ang isang pagmamahal ng Diyos na parang isang ama na nais lamang ang kaligayahan ng kanyang anak. Sa pagkawalay ng kanyang anak sa kanyang piling, hangad lamang niya ang muling pagbabalik ng kanyang anak. Isa itong dalisay na pagmamahal na sa ano mang oras ay handang magpatawad. Ipinapahalagahan nito ang mismong tao at hindi ang naging gawa ng tao. May mga tao ba kayong hindi pa napapatawad. Ano kaya kung isang araw ay may kumatok sa inyong tahanan at pagbukas ninyo, ang taong nasa inyong harapan ay ang taong iyong kinamumuhian. Pilit ang kanyang ngiti habang sinasabi niya sa iyo, “Patawad po.” Papatuluyin mo ba siya? O pagsaraduhan ng pinto? - Bro. Jun-G Bargayo, SJ Hindi nakapagpapatawad ang mahina. Katanginan ng malakas ang kapatawaran. - Mahatma Gandhi. The weak can never forgive. Forgiveness is the attribute of the strong. Ano ang bunga ng iyong pagmumuni? May gusto ka bang ibahagi? Ingles man o Filipino --kahit Tag-lish-- Prepare for the rest of the readings this September 12. Open your bible to: Exequiel 32:7-11, 13-14 1 Timothy 1:12-17 Luke 15:1-32 or 15:1-10 See you again next week! |
The more than 300 men of the Philippine Province of the Society of Jesus serve in five universities, numerous schools for basic education, two diocesan major seminaries, three urban and five rural parishes... (READ MORE)
Thank you for considering a donation to help our mission.
Your gift will be much appreciated and put to good use. Be assured, too, that you will be with us in our prayers, Masses and apostolic works, even as we also ask you to continue to pray for us.
Sincerely yours in the Lord,
JOSE C. J. MAGADIA, S.J.
Provincial
The more than 300 men of the Philippine Province of the Society of Jesus serve in five universities, numerous schools for basic education, two diocesan major seminaries, three urban and five rural parishes... (READ MORE)
Thank you for considering a donation to help our mission.
Your gift will be much appreciated and put to good use. Be assured, too, that you will be with us in our prayers, Masses and apostolic works, even as we also ask you to continue to pray for us.
Sincerely yours in the Lord,
JOSE C. J. MAGADIA, S.J.
Provincial