Mass Cards Online
| Para Saan ang Kayamanan? Maghanda para sa Agosto 1... |
|
|
|
|
Binabasa mo ba ang Ebanghelyo bago ka magsimba tuwing Linggo? Mabuti kung ginagawa mo ito, pero hindi pa rin ito sapat. Kung gusto mo talagang maghanda para sa Misa, subukan mong pagdasalan ang Ebanghelyo para sa Linggo isang linggo bago nito. Samahan si Bro. Jun-G Bargayo, SJ at ang ating virtual community sa pagmumuni tungkol sa mayamang hangal...
Habang binabasa ko ang Ebanghelyo para sa parating na Linggo, naalala ko ang aking mga magulang. Mahilig ang aking ina na mag-ipon ng mga alkansyang may iba’t ibang hugis at laki. Palihim naman na nilalagyan ng aking ama ng sensilyo ang mga ito. Nag-iipon daw siya bilang paghahanda sa maaaring dumating na taghirap. Minsan, sa kasawiang-palad, naubusan ng panggastos ang aking ina. Ni pansaing ay wala na kaming pambili. Pagdating ng aking ama, ikinuwento ng aking ina na wala na kaming maisasaing. Sabi ng aking ama sa kanya, “Huwag kang mag-alala. Magmamagic ako. Lumabas ka muna sa kuwarto.” Lumabas ang aking ina sa kuwarto at naghintay sa sala. Mahigit sampung minuto na ang nakalipas ngunit hindi pa lumalabas ng kuwarto ang aking ama kaya pinuntahan na siya ng aking ina. Nakitang nakahiga lamang ang aking ama sa kama. Nagtanong ang aking ina, “Akala ko ba magmamagic ka. Bakit nakahiga ka lang diyan?” Ipinakita ng aking ama ang butas na alkansya at madaliang sinabi, “Paano ako magmamagic? May nauna nang nagmagic sa perang inipon ko.” Napagtanto ko noon na ang lahat ng ating naiipon ay maaring mawala o manakaw. Hindi rin natin ito madadala sa kabilang buhay. Kasama na marahil sa kalikasan ng tao ang maniguro para sa kinabukasan. Kaya naman, ginagawa nito ang lahat upang makapag-impok para mayroong mahuhugot sa panahon ng taghirap. Hindi naman problema ang mag-ipon. Kailangan din na maging praktikal tayo sa buhay. Subalit, ipinapakita sa atin ng Ebanghelyo sa parating na Linggo na kung ang pag-iipon natin ay magdudulot lamang ng kasakiman, hindi na ito maganda. Ang pagkakaroon ng malaking ani ay biyaya mula sa Panginoon. Ngunit isang malaking kahangalan kung ang ani ay iipunin lamang at hayaang mapanis ito sa loob ng isang kaban. Ang anumang ani na mayroon tayo ay biyayang maaari nating gamitin upang patuloy tayong magbigay puri sa Kanya. Hindi sana tayo kainin ng uod ng kasakiman, at baka makalimutan natin ang mas mahahalagang bagay tulad ng ating pagmamahal sa kapwa, pangangalaga sa kalikasan, at pananampalataya sa Diyos . Aanhin natin ang maraming pera kung ang kapalit nito ang hindi pagkakasundo ng pamilya at kaibigan? Aanhin natin ang kaunlaran kung winawasak naman natin ang ating mundo? Aanhin natin ang yaman kung sinisira nito ang mga haligi ng ating pananampalataya sa Kanya? Pagmunihan natin sa linggong ito kung paano natin ginagamit ang kung anong mayroon tayo. Nag-iipon ka lang ba para sa panahon ng taghirap o nagiging sakim ka na? Mas mahalaga na ba sa iyo ang pera kaysa sa iyong pamilya at mga kaibigan? Binabaliwala mo na ba ang pagsisimba at pagdarasal dahil nanghihinayang ka sa iyong maaring kitain? - Bro. Jun-G Bargayo, SJ Maganda ang magkaroon ng pera at mga bagay na kayang bilihin nito, ngunit maganda rin na paminsan-minsang suriin at siguraduhin na hindi nawawalay sa iyo ang mga bagay na hindi nabibili ng pera. - George Horace Lorimer - It's good to have money and the things that money can buy, but it's good, too,to check once in a while and make sure that you haven't lost the things that money can't buy. Ano ang bunga ng iyong pagmumuni? May gusto ka bang ibahagi? Ingles man o Filipino --kahit Tag-lish-- share mo na sa ibaba! Prepare for the rest of the readings this August 1. Open your bible to: Ecclesiastes 1:2; 2:21-23 Colossians 3:1-5, 9-11 See you again next week! |
The more than 300 men of the Philippine Province of the Society of Jesus serve in five universities, numerous schools for basic education, two diocesan major seminaries, three urban and five rural parishes... (READ MORE)
Thank you for considering a donation to help our mission.
Your gift will be much appreciated and put to good use. Be assured, too, that you will be with us in our prayers, Masses and apostolic works, even as we also ask you to continue to pray for us.
Sincerely yours in the Lord,
JOSE C. J. MAGADIA, S.J.
Provincial
The more than 300 men of the Philippine Province of the Society of Jesus serve in five universities, numerous schools for basic education, two diocesan major seminaries, three urban and five rural parishes... (READ MORE)
Thank you for considering a donation to help our mission.
Your gift will be much appreciated and put to good use. Be assured, too, that you will be with us in our prayers, Masses and apostolic works, even as we also ask you to continue to pray for us.
Sincerely yours in the Lord,
JOSE C. J. MAGADIA, S.J.
Provincial