GIVE Online

Ano ang Mabuting Balita Sa Buhay Mo Ngayon? (Paghahanda para sa Disyembre 12, Ikatlong Linggo ng Adbiyento) PDF Print E-mail

Simulan na nating paghandaan ang ating Ebanghelyo sa parating na Linggo. Kasama si Bro. Jun-G Bargayo, SJ at ang ating virtual community, pagmunihan na natin ang Salita ng Diyos ngayong Disyembre 12...


 Nakabilanggo na noon si Juan na Tagapagbinyag.
Nabalitaan niya ang mga ginagawa ni Cristo
kaya't nagsugo siya ng ilang mga alagad upang itanong,
"Kayo po ba ang ipinangakong darating,
o maghihintay pa kami ng iba?"
Sumagot si Jesus, "Bumalik kayo kay Juan
at sabihin ninyo sa kanya ang inyong naririnig at nakikita.
Nakakakita ang mga bulag, nakakalakad ang mga pilay,
gumagaling at lumilinis ang mga ketongin,
nakakarinig ang mga bingi, muling nabubuhay ang mga patay,
at ipinapangaral sa mga mahihirap ang Magandang Balita.
Mapalad ang taong hindi nag-aalinlangan sa akin!"

Nang paalis na ang mga alagad ni Juan,
nagsalita si Jesus sa mga tao tungkol kay Juan,
"Bakit kayo nagpunta sa ilang? Ano ang nais ninyong makita?
Isa bang tambo na hinihipan ng hangin?
Bakit kayo pumunta sa ilang?
Para makita ang isang taong may mamahaling kasuotan?
Ang mga nagdaramit ng ganyan ay nasa palasyo ng mga hari!
Ano nga ba ang nais ninyong makita? Isang propeta?
Oo, siya'y propeta. At sinasabi ko sa inyo,
siya'y higit pa sa isang propeta.
Sapagkat si Juan ang tinutukoy ng kasulatan,
'Ipadadala ko ang aking sugo na mauuna sa iyo;
ihahanda niya ang iyong daraanan.'
Tandaan ninyo: higit na dakila si Juan na Tagapagbinyag
kaysa sinumang isinilang sa daigdig,
ngunit ang pinakahamak sa kaharian ng langit
ay mas dakila kaysa kanya.


Walong taong gulang ako noong una akong na-ospital. Kahit nakalimutan ko na ang tawag sa sakit ko noon, alalang-alala ko pa rin ang pangyayari. Bigla na lang akong gininaw isang gabi. Malamig ang aking mga pawis, pero nang hinaplos ko ang aking leeg, ramdam ko ang init nito. Nahirapan akong huminga. Gusto kong tumayo, ngunit hindi na ako makabangon. Buti na lang katabi ko ang aking ama, at madali ko siyang nagising. Sinuri niya ang aking kalagayan at itinakbo niya ako agad sa ospital. Nang dumating kami sa ospital, nilagyan agad ako ng suwero at pinainom ng gamot. Nakatulog ako. Paggising ko kinabukasan, ang gaan na ng pakiramdam ko. Pakiwari ko, magaling na ako. Ibang klaseng ginhawa ang aking naramdaman.

Para sa akin, ang karanasan kong iyon ay karanasan ng Mabuting Balita dahil hanggang ngayon nagbibigay pa rin ito sa akin ng lakas ng loob upang labanan ang ano mang sakit sa katawan na aking nararanasan.

Kaya naman napuno ng galak ang aking puso habang binabasa ko ang Ebanghelyo sa parating na Linggo. Tunay itong Mabuting Balita. Na-i-imagine ko ang reaksyon ni Juan Bautista noong nalaman niyang ang kanyang hinihintay ay dumating na. Siguro napaindak siya sa tuwa. Siguro naluha pa siya habang sinasabi ng kanyang mga disipulo ang mensahe ni Hesus sa kanya, "Nakakakita ang mga bulag, nakakalakad ang mga pilay, gumagaling at lumilinis ang mga ketongin, nakakarinig ang mga bingi, muling nabubuhay ang mga patay." Ang Mabuting Balitang ito ay hindi lang para kay Juan Bautista o sa akin kundi para sa ating lahat na naghihintay sa muling pagbabalik ni Hesus. At ang Mabuting Balitang ito ang ating sinasariwa sa tuwing  panahon ng Pasko. Sa bawat sandali ng ating pagiging Kristiano, tayo ay hindi dapat mawalan ng pag-asa kahit ano mang hirap ang nararanasan natin. Kay Hesus, lahat posible. Ano mang sakit, kaya Niyang pagalingin. Ano mang sugat, maari Niyang hilumin. Ano mang laki ng kasalanan, handa Niya itong patawarin. Ito ang Mabuting Balita. Masaya nating salubungin ito!   

Sa linggong ito dalawa ang maari nating gawin: Una, pagmuni-munihan natin ito: Ano ang aking mga karanasan na maituturing kong Mabuting Balita mula sa Kanya? Sa ganitong paraan madadagdagan ang saya ng ating mga puso habang nag-aabang tayo sa Kanyang muling pagbabalik, sa Kanyang pagdala pa nang mas maraming Mabuting Balita.

Pangalawa, Mainam din na tanungin: Meron ba akong mga pag-aalinlangan sa Kanya? Sinabi ni Hesus sa ating Ebanghelyo, "Mapalad ang taong hindi nag-aalinlangan sa akin!" Nawa’y sa bawat Paskong ating ipagdiriwang, lagi nating gunitain ang Kanyang matinding pag-ibig sa atin. Sa ganitong paraan, titibay ang ating pagtitiwala at pananalig sa Kanya na tagapagdala at tagapagtupad ng Mabuting Balita.

- Bro. Jun-G Bargayo, SJ    


I have always thought of Christmas as a good time;
a kind, forgiving, generous, pleasant time;
a time when men and women seem to open their hearts freely,
and so I say, God bless Christmas!

Charles Dickens

Lagi kong iniisip ang Pasko bilang isang magandang panahon;
isang mahabagin, mapagpatawad, mapagbigay, kalugulugod na panahon;
isang panahon na tila malayang binubuksan ng bawat nilalang
ang kanilang mga puso, kaya pahayag ko,
bendisyunan ng Diyos ang Pasko!



Ano ang Mabuting Balita sa buhay mo ngayon?
May pag-aalinlangan ka ba sa Panginoon?
Baka makatulong sa iyo--at sa iba--kung isulat mo sa ibaba.
Hindi naman kailangang ilagay ang iyong pangalan.
Subukan mo lang...
Ingles man o Filipino --kahit Tag-lish--
i-share mo na sa ibaba!

Letsgodynamic.com: Comment service

Prepare for the rest of the readings this December 12.
Open your bible to:
Isaiah 35: 1-6a, 10
James 5: 7-10
Matthew 11: 2-11

Or click here for the readings.
 
See you again next week!


 
spacer
spacer

 

The more than 300 men of the Philippine Province of the Society of Jesus serve in five universities, numerous schools for basic education, two diocesan major seminaries, three urban and five rural parishes... (READ MORE)

 

Thank you for considering a donation to help our mission.

 

 

 

 

Your gift will be much appreciated and put to good use. Be assured, too, that you will be with us in our prayers, Masses and apostolic works, even as we also ask you to continue to pray for us. 

 

 

Sincerely yours in the Lord, 

JOSE C. J. MAGADIA, S.J.
Provincial 

 

Home Past Articles
Curious about something? Trying to find a Jesuit? Or just want to give us some feedback? Send us a quick note!







Copyright © 2012. The Philippine Jesuits.