Mass Cards Online
| Nasaan na tayo ngayon? (Paghahanda para sa Disyembre 5, Ikalawang Linggo ng Adbiyento) |
|
|
|
|
Tingnan natin kung nasaan tayo ngayon--ang ating disposiyon at ang lagay ng ating katawan at pag-iisip. Samahan si Bro. Jun-G Bargayo, SJ at ang ating virtual community sa pagmumuni at pagdarasal tungkol sa Ebanghelyo natin ngayong Linggo...
Bago ako pumasok sa Kapisanan ni Hesus, kasama sa mga ginagawa ko dati ang mag-organize ng mga conferences o malalaking kaganapan. Base sa aking karanasan, ang isang international conference na dadaluhan ng higit-kumulang walong libong kabataan ay pinaghahandaan ng isang buong taon. Maraming detalye ang kinakailangang tutukan--mula sa pagtatala ng mga kalahok, matutulugan, pagkain, transportasyon hanggang sa actual program upang masigurado ang tagumpay ng nasabing conference. Bago pa man magsimulang kumilos, kinakailangang malaman kung anu-ano ang mga dapat paghandaan. Mahalaga ang malaman kung ano ang meron at wala para malaman kung ano dapat ang tututukan sa gagawing paghahanda. Naisip ko na mahalaga para sa aking paghahanda sa Pasko ang mapagnilay-nilayan kung ano man ang kalagayan ko ngayon. Gaano na kalalim ang aking ugnayan sa aking sarili, sa kapwa, at sa Kanya. Sa ganoon, malalaman ko kung saan ako magsisimula sa aking paghahanda. Kaya naman, sa ating paghahanda sa darating na Pasko, isaalang-alang nating ang mungkahi ng ating Ebanghelyo sa parating na Linggo: Tingnan natin kung nasaan tayo ngayon--ang ating disposiyon at ang lagay ng ating katawan at pag-iisip. Kung may makita tayong baluktot sa ating pamumuhay, atin itong ituwid. Kung may mapansin tayong nawawala sa ating sarili, atin itong sikaping matamo. Kung may mapuna tayong pagkakamali sa ating mga ginagawa, atin itong itama. Kapag nagawa na natin ang mga ito, maaari na rin nating simulan ang paghahanda sa Kanyang pagdating. - Bro. Jun-G Bargayo, SJ "All things are ready, if our minds be so." William Shakespeare "Handa na ang lahat ng bagay kung ang ating isip ay handa na." Nasaan ka na ngayon? Baka makatulong sa iyo--at sa iba--kung isulat mo sa ibaba. Hindi naman kailangang ilagay ang iyong pangalan. Subukan mo lang... Ingles man o Filipino --kahit Tag-lish-- i-share mo na sa ibaba! Prepare for the rest of the readings this December 5. Open your bible to: Isaiah 11: 1-10 Romans 15: 4-9 Matthew 3: 1-12 Or click here for the readings. See you again next week! |
The more than 300 men of the Philippine Province of the Society of Jesus serve in five universities, numerous schools for basic education, two diocesan major seminaries, three urban and five rural parishes... (READ MORE)
Thank you for considering a donation to help our mission.
Your gift will be much appreciated and put to good use. Be assured, too, that you will be with us in our prayers, Masses and apostolic works, even as we also ask you to continue to pray for us.
Sincerely yours in the Lord,
JOSE C. J. MAGADIA, S.J.
Provincial
The more than 300 men of the Philippine Province of the Society of Jesus serve in five universities, numerous schools for basic education, two diocesan major seminaries, three urban and five rural parishes... (READ MORE)
Thank you for considering a donation to help our mission.
Your gift will be much appreciated and put to good use. Be assured, too, that you will be with us in our prayers, Masses and apostolic works, even as we also ask you to continue to pray for us.
Sincerely yours in the Lord,
JOSE C. J. MAGADIA, S.J.
Provincial