Mass Cards Online
| Para Saan Ka Excited? (Paghahanda para sa Nobyembre 28, Unang Linggo ng Adbiyento) |
|
|
|
|
Ang Misa sa parating na Linggo ay dapat paghandaan. Hindi dapat magsimba na walang alam. Para mas maging makahulugan ang Misa, pagmunihan na ang Ebanghelyo para sa Nobyembre 28 ngayon pa lamang! Samahan si Bro. Jun-G Bargayo, SJ at ang ating virtual community sa pagmumuni at pagdarasal tungkol sa ating mga hinihintay ngayong palapit na ang Pasko...
Noong bata pa ako, excited ako tuwing darating ang Pasko. Kapag naririnig ko na ang mga pamaskong awitin, parang automatic na magiging masunurin ako sa aking mga magulang, mag-aaral nang mabuti at hindi na magiging palaaway. Sa loob-loob ko noon, iniisip ko: Dahil mabait na akong bata, mabibigyan ako ng marami at magagandang aginaldo sa araw ng Pasko. Nakatutuwang magbalik-tanaw sa mga ginagawa kong pag-aabang sa Pasko noon. Nag-eenjoy ako sa mga biyaya. Ang Pasko para sa akin noon ay panahon upang magkaroon ako ng maraming pera, bagong damit, at laruan. Kaya naman, lagi akong excited sa tuwing darating ito. Parating na naman ang Pasko. Ngunit bakit kaya hindi na ako kasing excited nang dati? Siguro, dahil sa dami ng kailangan kong gawin bago Disyembre 25, wala na akong panahon para isipin man lang ang araw na iyon. Siguro, dahil wala na akong inaasahang matanggap na pera o bagong damit o magagarang laruan, ang Pasko ay nagiging parang ordinaryong araw na lang sa akin. Siguro, dahil tumatanda na ako, tinatanggap ko na ang Pasko ay para sa mga bata lamang. Siguro, dahil lumalabo na sa akin ang kahalagahan ng Pasko, nawawalan na ako ng gana na hintayin ang araw na ito. Nakalulungkot ang katotohanang hindi na ako kasing-excited gaya ng dati. Ngunit nabuhayan ako nang binabasa ko ang ating Ebanghelyo sa parating na Linggo. Isinasaad sa Ebanghelyo ang kahalagahan ng paghihintay at paghahanda sa araw ng muling pagbabalik ni Hesus na ating manunubos at Panginoon. Kaya naman ito ang unang Ebangehelyo sa ating Church calendar dahil hindi naman talaga Disyembre 25 ang ating inaabangan kundi ang muli Niyang pagbabalik—isang petsang hindi naman talaga natin alam. Ang Pasko ay ating ipinagdidiriwang dahil masaya nating inaalala na bahagi sa ating mga Kristyano na meron pala tayong hinihintay. Si Hesus ay ipinanganak sa mundo, namatay, inilibing, at umakyat sa langit. Ngayon, buong galak nating hinihintay ang Kanyang pangakong pagbabalik. Maaari nating tanungin sa ating mga sarili kung ano ba ang nagbibigay sa atin ng excitement tuwing darating ang Pasko? Pero mas mahalagang tanong kung mas excited nga ba tayo sa muling pagdating ni Hesus. - Bro. Jun-G Bargayo, SJ “This is Christmas: not the tinsel, not the giving and receiving, not even the carols, but the humble heart that receives anew the wondrous gift, the Christ.” - Frank McKibben “Ito ang Pasko: hindi ang palara, hindi ang pagbibigayan, hindi ang mga himig pamasko, kundi ang mapagkumbabang puso na tinatanggap muli ang pambihirang regalo, si Kristo.” Ano ang bunga ng iyong pagmumuni? May gusto ka bang ibahagi? Ingles man o Filipino --kahit Tag-lish-- i-share mo na sa ibaba! Prepare for the rest of the readings this November 28. Open your bible to: Isaiah 2: 1-5 Romans 13: 11-14 Matthew 24: 37-44 Or click here for the readings. See you again next week! |
The more than 300 men of the Philippine Province of the Society of Jesus serve in five universities, numerous schools for basic education, two diocesan major seminaries, three urban and five rural parishes... (READ MORE)
Thank you for considering a donation to help our mission.
Your gift will be much appreciated and put to good use. Be assured, too, that you will be with us in our prayers, Masses and apostolic works, even as we also ask you to continue to pray for us.
Sincerely yours in the Lord,
JOSE C. J. MAGADIA, S.J.
Provincial
The more than 300 men of the Philippine Province of the Society of Jesus serve in five universities, numerous schools for basic education, two diocesan major seminaries, three urban and five rural parishes... (READ MORE)
Thank you for considering a donation to help our mission.
Your gift will be much appreciated and put to good use. Be assured, too, that you will be with us in our prayers, Masses and apostolic works, even as we also ask you to continue to pray for us.
Sincerely yours in the Lord,
JOSE C. J. MAGADIA, S.J.
Provincial