
Sa antas ng komunidad, ang barangay ang nagsisilbi bilang pangunahing yunit ng gobyerno para sa pagpaplano at pagpapatupad ng mga patakaran, programa, proyekto, at gawain para sa mga mamamayan. Ito rin ay nag sisilbi forum o venue kung saan ang kolektibong pananaw ng mga tao ay maaaring ipinahayag at kung saan ang mga alitan ay maaaring bigyang solusyon.
Ang bawat barangay ay pinamumunuan ng isang Punong Barangay. Siya rin ang namumuno sa Sangguniang Barangay na binubuo ng mga barangay kagawad. Ang bawat barangay din ay may isang Sangguniang Kabataan (SK), na binubuo ng SK President o Chairman at mga SK kagawad at sila ang nangunguna sa pagbuo at pagpapatupad ng mga programang pangkabataan sa barangay.
Ang mga Kapangyarihan at Responsibilidad ng mga Barangay Opisyal(Ilan sa mga mahahalagang probisyon mula sa Local Government Code (RA7160) patungkol sa Barangay)
Punong Barangay Sec.389 of RA7160 Tinitiyak ang pagbibigay ng mga pangunahing serbisyo Nagtataguyod ng pangkalahatang kagalingan ng barangay Naghahanda ng taunang badyet Inaaprobahan ang mga vouchers patungkol sa mga pinagkagastahan o pinagkagastusan ng pondo Nag-oorganisa at pinamumunuan ang isang emergency group kapag ito’y kinakailangan para sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa panahon ng kagipitan o sakuna sa barangay Nagpapanatili ng kaayusan at katahimikan sa barangay Ipinapatupad ang mga batas at ordinansa ng barangay at pinapatupad ang mga batas kaugnay ng pagbibigay ng proteksyon sa kapaligiran Namumuno sa Sangguniang Barangay Nagpapatawag at pinamumunuan ang sesyon ng sanggunian, nakikipag negosasyon,at may kapangyarihang pumasok sa isang kontrata na napagkasunduan ng Sangguniang Barangay May kapangyarihan din na humirang o palitan ang barangay treasurer, secretary, at mga barangay tanod ayon sa pag-apruba ng Sangguniang Barangay Pinamumunuan ang Lupong Tagapamayapa at mayroong kapangyarihan na pangkalahatang superbisyon sa Sangguniang Kabataan
Sangguniang Barangay Sec.391 of RA7160
Gumawa ng mga batas o ordinansa na para sa ikabubuti ng nakararami Magpatibay ng mga panukala upang maiwasan at makontrol ang paglaganap ng squatters, makatulong sa pagtatatag ng mga kooperatiba sa negosyo, at isaayos ang mga regular na mga panayam at programa sa komunidad Nagbibigay ng mga pangunahing serbisyo Nagpapatayo ng mga pampublikong imprastruktura at tinitiyak ang maayos na paggamit ng mga pasilidad na pag-aari ng barangay Tumulong sa pagtatatag at pagsulong ng mga kooperatiba sa negosyo na naglalayong mapabuti ang ekonomiyang kalagayan at kagalingan ng mga residente ng barangay Magsagawa ng mga aktibidad na maglalayong mangalap ng karagdagang pondo para sa mga proyekto ng barangay Magsagawa ng mga regular na panayam o programa sa mga problema sa komunidad patungkol sa kalinisan, nutrisyon, literacy, at bawal na gamot Magsagawa ng mga pagpupulong upang hikayatin ang mga mamamayan na aktibong makilahok sa pamamahala Magtaguyod ng mga programa para sa tamang pag-unlad at kapakanan ng mga bata para sa proteksyon lalo na sa mga bata na ang edad ay pitong (7) taon pababa
Sangguniang Kabataan Sec.426 of RA7160 Magpasimula ng mga programa na dinisenyo upang mapahusay ang mga panlipunan, pampulitika, pangekonomiya, kultural, intelektwal, moral, espiritwal, at pisikal na pagunlad ng mga miyembro Kumonsulta at makipag-ugnayan sa mga youth organizations sa barangay para sa pagbabalangkas ng mga patakaran at pagpapatupad ng mga programa para sa kabataan Makipag-ugnayan sa mga naaangkop na pambansang ahensiya para sa implementasyon ng mga proyekto para sa mga kabataan pag-unlad at mga programa sa pambansang antas Lumikha ng mga katawan o komite kung kinakailangan para epektibong maisakatuparan ang mga programa at gawain para sa ikabubuti ng mga kabataan sa komunidad Magsumite ng taunang ulat sa mga miyembro ng Sangguniang Barangay patungkol sa mga proyekto at mga gawain para sa kaligtasan ng buhay at pag-unlad ng kabataan sa mga barangay Magpasa ng mga resolusyon na kinakailangan upang maisakatuparan ang layunin ng mga kabataan sa barangay sa alinsunod sa mga naaakmang tuntunin nakasaad sa Local Government Code (RA7160)
Help people know more about the barangay elections. Download the files below, and distribute them.
Prepared by: Loyola House of Studies Ateneo de Manila University Loyola Heights, Quezon City 1108 Philippines Telefax: (02) 4265968 Email:
This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it
Website: www.slb.ph |