Mass Cards Online
| Mayroon ka bang hindi napapansin? (Paghahanda para sa Ebanghelyo ngayong Linggo) |
|
|
|
|
Simulan na nating paghandaan ang ating Ebanghelyo sa parating na Linggo. Kasama si Bro. Jun-G Bargayo, SJ at ang ating virtual community, pagmunihan na natin ang Salita ng Diyos ngayong Setyembre 26...
Habang binabasa ko ang Ebanghelyo sa parating na Linggo, naalala ko ang video tungkol sa obra ni Joey Velasco na pinamagatang "Ang Kambas ng Lipunan." Noong una kong nakita ang video na ito, tumama sa akin ang realisasyon na may pinipiling tingnan ang aking mga mata. Siguro mas nababalingan ko ng pansin kung ano ang maganda at kaaya-aya. Hindi ko napapansin ang pangit at madumi. O siguro, mas malapit sa katotohanan: Hindi ko pinapansin ang kung ano ang pangit at madumi. Sa tuwing dumadaan ako sa mga kalsadang naging tirahan na ng mga pulubi, dire-diretso lang ang aking lakad. Sadya kong hindi pinapansin ang mga mahihirap na naroroon lang, walang makain at walang mapuntahan. Hindi sila kayang tingnan ng aking mga mata sapagkat wala rin naman akong magagawa para sa kanila. Hindi ko kayang titigan ang miserableng nilang sitwasyon sapagkat mahapdi sa aking mga mata at sa aking puso ang katotohanang may mga taong katulad nila na sobrang naghihirap. Mas madali yata ang mabuhay na lang na ang inaatupag ang sarili lamang kabanalan: kung paanong hindi magkasala, kung paano palalimin ang pagdarasal, at kung paano pagbutihin ang pakikipag-ugnayan sa kapwa na medyo kapareho ko sa antas ng buhay. Paano ba tingnan ng diretso ang kahirapan? Paano ba hindi mawalan ng pag-asa kahit alam mong kahit ano ang gawin mo, hindi mo malulutas ang kahirapan? Paano ba ako hindi makukulong lang sa aking sariling mundo tulad ng mayamang tao sa ating Ebanghelyo? (Kung nais ninyong panoorin ang kabuuan ng "Ang Kambas ng Lipunan," pumunta rito: http://www.youtube.com/watch?v=QW1ZNce78pQ) - Bro. Jun-G Bargayo, SJ If a man shuts his ears to the cry of the poor, he too will cry out and not be answered. -Proverbs 21:13 Ang hindi pumapansin sa daing ng mahirap, daraing din balang araw ngunit walang lilingap. Ano ang bunga ng iyong pagmumuni? May gusto ka bang ibahagi? Ingles man o Filipino --kahit Tag-lish-- Prepare for the rest of the readings this September 26. Open your bible to: Amos 6:1a, 4-7 1 Timothy 6:11-16 Luke 16:19-31 See you again next week! |
The more than 300 men of the Philippine Province of the Society of Jesus serve in five universities, numerous schools for basic education, two diocesan major seminaries, three urban and five rural parishes... (READ MORE)
Thank you for considering a donation to help our mission.
Your gift will be much appreciated and put to good use. Be assured, too, that you will be with us in our prayers, Masses and apostolic works, even as we also ask you to continue to pray for us.
Sincerely yours in the Lord,
JOSE C. J. MAGADIA, S.J.
Provincial
The more than 300 men of the Philippine Province of the Society of Jesus serve in five universities, numerous schools for basic education, two diocesan major seminaries, three urban and five rural parishes... (READ MORE)
Thank you for considering a donation to help our mission.
Your gift will be much appreciated and put to good use. Be assured, too, that you will be with us in our prayers, Masses and apostolic works, even as we also ask you to continue to pray for us.
Sincerely yours in the Lord,
JOSE C. J. MAGADIA, S.J.
Provincial