Mass Cards Online
| Ano ang iyong mga krus? (Paghahanda para sa Ebanghelyo ngayong Linggo, Setyembre 5) |
|
|
|
|
Kasama si Bro. Jun-G at ang iba pang miyembro ng ating virtual community, ating pagmunihan ang Mabuting Balita sa darating na Linggo, Setyembre 5. Tignan natin ang ating buhay, at iharap natin ito sa Ebanghelyo...
Pagkatapos ng pitong buwang pagtatrabaho sa National Food Authority, nagpasya akong maging full-time pastoral worker ng CFC Youth for Christ. Nang kinausap ko ang aking mga magulang tungkol sa aking pasya, pagtanggi ang kanilang naging tugon. Hindi raw nila maintindihan kung bakit kailangan ko pang huminto sa pagtatrabaho. Pwede naman daw akong maglingkod sa Panginoon habang ako’y nagtatrabaho. Kahibangan daw ang pasya ko at magdudulot lamang ito ng kamatayan sa aking mga pangarap. Sinubukan kong magpaliwanag ngunit para lang buhangin sa kanilang mga kamay ang aking mga salita--nagpipilit dumikit ngunit wala namang lakas na kumapit. Nabigo akong ipaintindi sa kanila ang aking napagpasyahan. At dahil dito, tatlong buwan akong hindi kinausap ng aking ina. Napakahirap ng tatlong buwang iyon. Hindi ako sanay na pag-uwi ko ng bahay, para akong tuod sa daan na hindi pinapansin ng aking ina. Alam kong nahirapan din ang aking ama sa mga panahong iyon. Sinubukan niyang magkasundo kaming dalawa ng aking ina, ngunit hindi siya nagtagumpay. Marangal man ang aking hangaring maglingkod, ito ang naging dahilan ng hindi pagkakaunawaan sa aking pamilya. Ito ang krus na aking pinasan nang tatlong buwan. Ganoon talaga siguro. Madaling maintindihan ng ibang tao ang pasya mo kung ito ay tungkol sa tagumpay sa trabaho, sa pagpaparami ng pera, o kaya sa pagtubo ng sarili. At mahirap kang maunawaan kung magpasya ka para sa pagbibigay ng sarili sa Panginoon at sa kapwa. Sa loob ng tatlong buwan na hindi ako kinausap ng aking ina, naging mas dalisay ang aking pagnanais na maging full-time pastoral worker. Mas nagdasal ako. Mas nanahimik ako upang marinig ko nang malinaw ang Kanyang tawag. Nang nagkaroon ako ng pagkakataong kausapin muli ang aking mga magulang, hindi ko na sinubukang ipaliwanag ang aking pasya. Ibinahagi ko na lamang sa kanila ang mga biyayang natanggap ko mula sa aking mga panalangin. Simula noon, dahan-dahang bumukas ang pinto ng pag-uunawaan, at naging maayos muli ang aming ugnayan. Sa ating Ebanghelyo sa darating na Linggo, sinasabi ni Hesus, “Hindi maaaring maging alagad ko ang sinumang umiibig sa kanyang ama at ina, asawa at mga anak, mga kapatid, at maging sa sarili niyang buhay nang higit sa akin. Ang sinumang hindi magpasan ng sariling krus at sumunod sa akin ay hindi maaring maging alagad ko.” Pinaaalalahanan tayo ni Hesus na maaring magdulot ng hidwaan sa ating kasalukuyang mga relasyon ang Kanyang pagdating sa ating buhay. Kung hahayaan kasi natin ang Kanyang pagmamahal na pumasok sa ating mga puso at isipan, babaguhin nito kung paano tayo magpasya at mag-isip. Magiging mas matimbang Siya kaysa sinuman at anumang ating sinisinta. Ngunit magkakaroon din tayo ng lakas upang manindigan sa katotohanan at katarungan kahit na kapalit nito ang matamis na ugnayan sa ating mga pamilya at kaibigan. Magiging mas matimbang ang bunga ng ating pagmamahal sa Panginoon kaysa mga suhol na dala ng ating mga makamundong pagnanasa. Subukan mong tingnan ngayon ang iyong mga naging karanasan sa buhay. Simula nang sinunod mo si Hesus, anu-ano ang mga krus na iyong pinasan? Naranasan mo na bang itinakwil ka ng mga magulang dahil sa pasya mong taliwas sa kanilang kagustuhan? Naranasan mo na bang iwan ka ng mga kaibigan dahil mas pinag-uukulan mo ng oras ang Panginoon kaysa sa kanila? Naranasan mo na bang itinaboy ka ng pamayanan dahil pinili mong manindigan para sa katotohanan at katarungan? Paano mo nalampasan ang mga ito? Ano ang nangyari sa iyo pagkatapos nang mga iyon? - Bro. Jun-G Bargayo, SJ "Ang Panginoon ay sapat na." - St. Teresa of Avila - "Solo Dios basta." Ano ang bunga ng iyong pagmumuni? May gusto ka bang ibahagi? Ingles man o Filipino --kahit Tag-lish-- i-share mo na sa ibaba! Huwag nang mahiyang magkuwento tungkol sa iyong mga krus... isa tayong virtual community na nagdarasal para sa isa't isa. Prepare for the rest of the readings this September 5. Open your bible to: See you again next week! |
The more than 300 men of the Philippine Province of the Society of Jesus serve in five universities, numerous schools for basic education, two diocesan major seminaries, three urban and five rural parishes... (READ MORE)
Thank you for considering a donation to help our mission.
Your gift will be much appreciated and put to good use. Be assured, too, that you will be with us in our prayers, Masses and apostolic works, even as we also ask you to continue to pray for us.
Sincerely yours in the Lord,
JOSE C. J. MAGADIA, S.J.
Provincial
The more than 300 men of the Philippine Province of the Society of Jesus serve in five universities, numerous schools for basic education, two diocesan major seminaries, three urban and five rural parishes... (READ MORE)
Thank you for considering a donation to help our mission.
Your gift will be much appreciated and put to good use. Be assured, too, that you will be with us in our prayers, Masses and apostolic works, even as we also ask you to continue to pray for us.
Sincerely yours in the Lord,
JOSE C. J. MAGADIA, S.J.
Provincial