Mass Cards Online
| Mula 1 hanggang 100: Gaano kalakas ang hangarin mong makilala ang Panginoon? (Maghanda na para sa Ebanghelyo ngayong Linggo, Agosto 22.) |
|
|
|
|
Simulan na nating paghandaan ang ating Ebanghelyo sa parating na Linggo. Kasama si Bro. Jun-G Bargayo, SJ at ang ating virtual community, pagmunihan na natin ang Salita ng Diyos ngayong Agosto 22...
Nag-aral ako ng elementary at high school sa Notre Dame of Dadiangas University, isang Catholic school sa General Santos City. Kaya naman dagdag sa aming mga subjects ang religion class. Kailangan naming magsimba linggo-linggo dahil may inatasan ang aming guro na magtala ng aming pagdalo sa Misa. Sa klase naman, natutunan ko ang maraming bagay tungkol kay Hesus: saan Siya ipinanganak, sino ang Kanyang mga magulang, sino ang Kanyang mga kaibigan at alagad, ano ang Kanyang mga ginawa at paano siya namatay. Isinaulo ko ang mga datos na ito, at mataas ang aking mga naging marka sa mga pagsusulit sa klase. Kaya naman isinali ako ng aking guro sa mga paligsahan tungkol sa relihiyon. Kadalasan din ay nanalo ako. :) Dahil dito, nasabi ko sa sarili ko, "Kilalang-kilala ko na si Hesus." At minsan pa nga, naitanong ko sa aking sarili, “Meron pa ba akong hindi alam tungkol sa Kanya?" Ngunit dahil sa aking pagiging aktibo sa aming Simbahan, nakita ko na hindi pala sapat ang magkaroon lang ng maraming kaalaman tungkol kay Hesus. Mahalaga rin ang pakikipag-ugnayan sa Kanya. Naramdaman kong lumalim ang aking ugnayan sa Kanya sa aking pagdalo ng mga recollection at retreat. At dahil dito, natuto akong magdasal na hindi lang galing sa isip kundi pati na rin sa puso. Sa ating Ebanghelyo sa parating na Linggo, inilalahad ni Hesus na gusto ng ating Panginoon ang magkaroon tayo ng personal na relasyon sa Kanya. Nais niyang magkaroon tayo ng malalim na ugnayan sa Kanya. At harinawa, makikita ang ugnayang ito sa ating mga pamumuhay. Nais niyang hayaan nating ilahad ang ating mga sarili sa Kanya sa bawat dasal at pagkilos natin sa mga gawain sa Simbahan. Totoo na may kakayahan Siyang kilalanin tayo kahit di man tayo lumapit sa Kanya, ngunit biniyayaan Niya tayo ng kalayaan upang gamitin ito sa pagpili ng buhay na laging kapiling Siya. Sa linggong ito, maaring nating pagnilayan ang ating ugnayan sa ating Panginoong Hesus. Gaano ko ba Siya kakilala? Meron ba akong malalim na ugnayan sa Kanya? Malapit o malayo ba ako ngayon sa Kanya? Hinahayaan ko bang makilala din ako ng aking Panginoon? Nagtapos ako ng aking high school na may medalya na Best in Religion. Ngunit hindi ko talaga ito maipagmamalaki sapagkat ang kaalaman ko tungkol sa Diyos noon panahong iyon ay nasa isip lamang. Ngayon, sinusubukan kong makilala Siya ng lubusan sa aking puso. Ginagawa ko ito sapagkat gusto ko na sana sa pagharap ko sa Kanya, hindi ko maririnig na sasabihin Niya, “Hindi ko alam kung tagasaan ka! Hindi ka kasi nagpakilala sa akin, at hindi mo ring sinikap na ako'y mas makilala.” Naniniwala ako na sa bawat pagkilala ko sa Kanya sa aking diwa’t puso, at sa pagpapalalim ng aking ugnayan sa Kanya, patuloy na nababago ang aking buhay, nailalayo ako sa masama, at natutunan kong gawin ang mabuti. Ikaw, gaano kalakas ang hangarin mong makilala si Hesus? Kung mabibigyan mo ang sarili mo ng score mula 1 hanggang 100 dito, ano ang score na ibibigay mo sa sarili mo? - Bro. Jun-G Bargayo, SJ Ang umibig sa Panginoon ang pinakadakila sa lahat ng pagmamahalan; Ang hanapin Siya, ang pinakamakabuluhang paglalakbay; Ang matagpuan Siya, ang siyang pangunahing tagumpay - St. Augustine - To fall in love with God is the greatest of all romances; To seek Him, the greatest adventure; To find him, the greatest human achievement. Ano ang bunga ng iyong pagmumuni? May gusto ka bang ibahagi? Ingles man o Filipino --kahit Tag-lish-- i-share mo na sa ibaba! Mas mainam kung sasabihin mo na rin ang score mo... Prepare for the rest of the readings this August 22. Open your bible to: Isaiah 66:18-21 Hebrews 12:5-7, 11-13 Luke 13:22-30 See you again next week! |
The more than 300 men of the Philippine Province of the Society of Jesus serve in five universities, numerous schools for basic education, two diocesan major seminaries, three urban and five rural parishes... (READ MORE)
Thank you for considering a donation to help our mission.
Your gift will be much appreciated and put to good use. Be assured, too, that you will be with us in our prayers, Masses and apostolic works, even as we also ask you to continue to pray for us.
Sincerely yours in the Lord,
JOSE C. J. MAGADIA, S.J.
Provincial
The more than 300 men of the Philippine Province of the Society of Jesus serve in five universities, numerous schools for basic education, two diocesan major seminaries, three urban and five rural parishes... (READ MORE)
Thank you for considering a donation to help our mission.
Your gift will be much appreciated and put to good use. Be assured, too, that you will be with us in our prayers, Masses and apostolic works, even as we also ask you to continue to pray for us.
Sincerely yours in the Lord,
JOSE C. J. MAGADIA, S.J.
Provincial