Mass Cards Online
| Sino si Maria sa buhay ninyo? (Paghahanda para sa Agosto 15, Kapistahan ng Pag-aakyat sa Langit sa Mahal na Birheng Maria) |
|
|
|
|
Kasama si Bro. Jun-G at ang iba pang miyembro ng ating virtual community, ating pagmunihan ang Mabuting Balita sa darating na Linggo, Agosto 15. Tignan natin ang ating buhay, at iharap natin ito sa Ebanghelyo...
Ang aking ina ay may malalim na debosyon kay Maria. Nagdarasal sila ng aking ama ng rosaryo tuwing alas tres ng umaga. Minsan tinanong ko siya kung bakit may debosyon siya kay Maria. Napakapayak ang naging sagot niya. Sabi niya, “Kasi ina din siya.” Nagtanong pa ako, “Ano naman kung ina din siya?” Sagot niya, “Alam niya kung gaano kahirap magpalaki ng anak. Alam nya kung paano maging isang asawa. Alam niya at naiintindihan niya ang mga pinagdaraanan ko ngayon dahil isa rin siyang ina. Kaya naman lumaking may pananampalataya si Hesus dahil si Maria ay isang ina na may malalim at matatag na pananampalataya sa Panginoon. Sa kanya minana ni Hesus ang tunay na pagpapaubaya at pananalig sa Diyos.” Kilala ang aking ina na dating isang lasengga at sugarol. Nagbago siya noong nakilala niya ang Diyos at nagkaroon siya ng malalim na debosyon sa Mahal na Ina. Hindi na siya naglasing at nagsugal. Siya ay naging madasalin. Nasa nobisyado naman ako noong magkaroon ako ng debosyon kay Maria. Isa sa mga experiment namin ang maglakad ng daladalawa mula sa Bocaue, Bulacan hanggang sa simbahan ng Our Lady of Manaoag sa Pangasinan. Wala kaming bitbit kundi ang pananalig namin sa Diyos. Nanlimos kami sa daan para sa aming makakain at matutuluyan. Maraming beses noon na gusto ko nang sumuko, pero nakita ko na si Maria kasama namin bilang gabay. At ang naging sagot ko sa pagod at takot: Hawakan ang rosaryo at magdasal nang tahimik. Nakita ko ang kahalagahan ng debosyon ko at ng aking ina kay Maria. Si Maria ang nagbigay ng lakas ng loob sa akin na lumundag at magpaubaya sa kagustuhan ng Diyos. At si Maria din ang naging halimbawa ng aking ina sa paghahandog niya sa akin sa Panginoon. Bago siya sumakabilang-buhay, ang huling panalanging binigkas naming magkasama ay ang Aba Ginoong Maria. Tanda ito ng isang pagpapaubaya sa kalooban ng Diyos. Tuwing nagugunita ko ang pangyayaring ito, hindi ko maiwasang magpasalamat at magpuri sa Diyos dahil sa biyayang nagbunsod sa amin upang tumalima sa kalooban Niya. Inilalahad sa ating Ebanghelyo sa parating na Linggo ang panalangin ni Maria na naglalarawan kung ano ang nais ng kanyang puso. Sa kanyang panalanging ito makikita ang taos-pusong pasasalamat at papuri sa Panginoon. Sinasabi niya, “Dinadakila ng aking kaluluwa ang Panginoon, at nagagalak ang aking espiritu sa Diyos na aking Tagapagligtas.” Mula sa pusong punung-puno ng pasasalamat at papuri nanggagaling ang isang malayang pagsang-ayon sa plano ng Diyos sa kanyang buhay. Habang pinagninilay-nilayan natin ang Ebanghelyo sa parating na Linggo, tanungin natin ang ating mga sarili: Sino ba si Maria para sa akin? Meron ba akong malalim na ugnayan kay Maria? Ang laman at sinisigaw ba ng puso ko ay katulad ng kay Maria? Dalangin ko na sana makilala natin ang Mahal na Ina at magkaroon tayo ng ugnayan sa kanya na maglalapit sa atin sa kanyang anak na ating Panginoong Hesus. Maria, aming Ina, ipanalangin mo kami. - Bro. Jun-G Bargayo, SJ Ano ang bunga ng iyong pagmumuni? May gusto ka bang ibahagi? Ingles man o Filipino --kahit Tag-lish-- share mo na sa ibaba lalo na kung paano mo nararamdaman si Maria sa iyong buhay! Prepare for the rest of the readings this August 15. Open your bible to: Revelations 11:19a; 12:1-6a, 10ab 1 Corinthians 15:20-27 See you again next week! |
The more than 300 men of the Philippine Province of the Society of Jesus serve in five universities, numerous schools for basic education, two diocesan major seminaries, three urban and five rural parishes... (READ MORE)
Thank you for considering a donation to help our mission.
Your gift will be much appreciated and put to good use. Be assured, too, that you will be with us in our prayers, Masses and apostolic works, even as we also ask you to continue to pray for us.
Sincerely yours in the Lord,
JOSE C. J. MAGADIA, S.J.
Provincial
The more than 300 men of the Philippine Province of the Society of Jesus serve in five universities, numerous schools for basic education, two diocesan major seminaries, three urban and five rural parishes... (READ MORE)
Thank you for considering a donation to help our mission.
Your gift will be much appreciated and put to good use. Be assured, too, that you will be with us in our prayers, Masses and apostolic works, even as we also ask you to continue to pray for us.
Sincerely yours in the Lord,
JOSE C. J. MAGADIA, S.J.
Provincial