GIVE Online

Naghahanda ka na ba para sa Second Coming? (Para sa Ebanghelyo Ngayong Agosto 8) PDF Print E-mail

Ang Misa sa parating na Linggo ay dapat paghandaan. Hindi dapat magsimba na walang alam. Para mas maging makahulugan ang Misa, pagmunihan na ang Ebanghelyo para sa Agosto 8 ngayon pa lamang! Samahan si Bro. Jun-G Bargayo, SJ at ang ating virtual community sa pagtatanong at pagdarasal tungkol sa muling pagdating ni Hesus...

 
"Maging handa kayong lagi
at panatilihing maliwanag ang inyong mga ilawan.
Tumulad kayo sa mga aliping naghihintay sa pag-uwi
ng kanilang panginoon buhat sa kasalan,
upang kung ito'y dumating at kumatok
ay mabuksan nila agad ang pinto.
Mapalad ang mga aliping aabutang nagbabantay
pagdating ng kanilang panginoon.
Tandaan ninyo: magbibihis siya at pauupuin sila,
ipaghahanda sila ng pagkain at pagsisilbihan.
Mapalad sila kung maratnan silang handa pagdating ng Panginoon,
maging sa hatinggabi o sa madaling-araw man.
Sinasabi ko sa inyo, kung alam lamang ng may-ari ng bahay
kung anong oras darating ang magnanakaw,
hindi niya pababayaang makapasok ito.
Kayo man ay dapat na humanda,
sapagkat darating ang Anak ng Tao sa oras na hindi ninyo nalalaman."

Taong 2002 noon nang unang beses akong magtungo sa Thailand.  Ito ang unang pagkakataon kong nangibang bayan. Excited na excited ako. Gumawa ako ng listahan ng mga dadalhin. Napuno ng pulang marka ang aking kalendaryo dahil sa pag-aabang ko ng araw kung kailan ako aalis ng bansa. Sa bawat araw ng paghihintay, naubos ang oras ko sa pananaliksik tungkol sa wika at kultura ng mga Thai. Meron pa akong ginawang listahan ng mga bibigyan ko ng pasalubong pag-uwi ko. Nauna nang lumipad ang aking diwa.

Kailangan kong maghanda dahil alam kong bihira lang ang pagkakataong iyon, at ayaw ko itong masayang. Sayang naman kasi kung meron akong makalimutang gamit at mabawasan pa ang pera kong nakalaan sa paglilibot. Sayang din naman kasi kung wala man lang akong kaalam-alam tungkol sa Thailand at hindi ko mapuntahan ang mga sikat na pasyalan doon.

Nakita ko na nagsusumikap akong maghanda dahil gustong-gusto kong makarating sa ibang bansa. Kung gaano ako kabusisi sa aking paghahanda, ganoon din ako kainteresadong maglakbay. Sa ating buhay, marami din tayong pinaghahandaan, katulad ng mga kaarawan, Pasko at iba pang mga mahahalagang araw. Malayo pa man ang mga araw na ito, napupuno na ang ating isip sa mga kailangan gawin at bilihin. Ginagawa natin ang lahat upang ang araw na iyon ay maging hindi malilimot.  

“Maging handa kayo,” sabi sa ating Ebanghelyo sa parating na Linggo. Pinaaalalahanan tayo na sa bawat karaniwang paghahanda natin sa mga mahahalagang araw sa buhay natin sa mundo, may higit na dapat paghandaan. Habang patuloy tayong naghihintay sa mga araw na itinakda natin sa ating mga kalendaryo, huwag nating kalimutan na hintayin ang araw ng muling pagdating ng ating Panginoong HesuKristo. Ito ang hantungan ng lahat ng ating mga gingawang paghahanda dito sa mundo.

Kailangang maghanda. Ito ang panawagan ni Kristo sa ating mga naghihintay. Hindi katulad ng mga araw na itinakda natin, ang Kanyang muling pagbabalik ay hindi natin malalaman. Kung kaya, kailangang maging handa sa bawat oras.   

Nakikita sa uri ng ating paghahanda ang kadakilaan ng araw na ating hinihintay. Kung malaki at marangya ang paghahanda para sa isang di-karaniwang kaarawan, mas higit sana dito ang oras at pagod na igugugol natin sa paghahanda ng sarili sa pinaka-araw ng Kanyang pagdating.       

Sa buong linggong ito, pagnilayan natin: Paano ko inihahanda ang aking sarili sa Kanyang muling pagbabalik. Ano-ano na nga ba ang mga ginagawa kong paghahanda?

Kung gaano natin kagusto na makapiling ang Panginoon sa Kanyang muling pagbabalik makikita ito sa tindi ng ating paghahanda sa sarili habang naghihintay tayo sa Kanya.


- Bro. Jun-G Bargayo, SJ

Ang tinig ng isang sumisigaw,
“Ihanda ninyo sa ilang ang daan ng Panginoon.
Pantayin ninyo sa ilang ang lansangan para sa ating Diyos.”
Isaias 40:3


Ano ang bunga ng iyong pagmumuni?
May gusto ka bang ibahagi? Ingles man o Filipino --kahit Tag-lish--
share mo na sa ibaba!

D-Modules: Comment service

Prepare for the rest of the readings this August 8.
Open your bible to:
Wisdom 18: 6-9
Hebrews 11:1-2, 8-19
Luke 12: 32-48

Or click here to read this coming Sunday's readings.
 
See you again next week!




 
spacer
spacer

 

The more than 300 men of the Philippine Province of the Society of Jesus serve in five universities, numerous schools for basic education, two diocesan major seminaries, three urban and five rural parishes... (READ MORE)

 

Thank you for considering a donation to help our mission.

 

 

 

 

Your gift will be much appreciated and put to good use. Be assured, too, that you will be with us in our prayers, Masses and apostolic works, even as we also ask you to continue to pray for us. 

 

 

Sincerely yours in the Lord, 

JOSE C. J. MAGADIA, S.J.
Provincial 

 

Home Past Articles
Curious about something? Trying to find a Jesuit? Or just want to give us some feedback? Send us a quick note!







Copyright © 2012. The Philippine Jesuits.