Mass Cards Online
| Manalangin Tayo (Paghahanda para sa Hulyo 25) |
|
|
|
|
Simulan na nating paghandaan ang ating Ebanghelyo sa parating na Linggo. Kasama si Bro. Jun-G Bargayo, SJ at ang ating virtual community, pagmunihan na natin ang Salita ng Diyos ngayong Hulyo 25...
Kakalugi lang noon ng negosyo ng aking mga magulang nang isang gabi, nagyayang magdasal ang aking ama. Ayon sa kanya, walang-wala na raw kami. Wala na kaming pera na panggastos kinabukasan. Wala na kaming perang pampamasahe papuntang paaralan ko at pinagtatrabahuan niya. Wala na rin kaming perang pambili ng pagkain. Wala na rin kaming mauutangan. Wala na siyang ibang alam na gawin kundi ang magdasal. Alalang-alala ko ang panalangin ng aking ama: Panginoon, walang-wala na kami. Nawa’y tulungan Ninyo kami. Naramdaman ko ang takot at pag-aalala ng aking ama nang makita ko siyang umiyak. Nagdasal na rin ako, ngunit isang tanong lamang ang laman ng aking isip: Ano na nga ba ang aming gagawin Panginoon? Natapos ang aming panalangin na walang kasiguraduhan, ngunit may pag-asang iaahon kami ng Panginoon. Ginising kami kinabukasan ng mga katok sa pinto ng kaibigan ng aking mga magulang. Nagbayad siya ng pitong daang piso. Isang utang na matagal nang nakalimutan. Naroon din sa aming pintuan ang halos kalahating sako ng bigas na iniwan ng aming kapitbahay na ayon sa kanya, sobra na raw sa kanilang pangangailangan. Di man lang umabot ng limang minuto, kumatok ang isa pa naming kapitbahay at nagbigay ng kalahating sako ng talangka. Nanghuli raw siya nito noong gabi at nakalimutan niyang nangangati ang lahat sa kanilang pamilya pag kumain nito. Pagkatapos ng isang minuto, may kapitbahay din kaming nagbigay ng isang bungkos ng kangkong. Naluha ako dahil naramdaman ko na hindi kami pinabayaan ng Panginoon. Sa pagkakataong iyon natuklasan ko na ang Panginoon ay hinding-hindi nagpapabaya sa Kanyang mga minamahal. Sa ating Ebanghelyo sa parating na Linggo, ipinapaalala ng Panginoon sa atin ang Kanyang pangako: Humingi kayo, at kayo’y bibigyan; humanap kayo, at kayo’y makasusumpong; kumatok kayo, at ang pinto’y bubuksan para sa inyo. Sapagkat tumatanggap ang bawat humihingi; nakasusumpong ang bawat humahanap; at binubuksan ang pinto sa bawat kumakatok. Isa itong pangakong puno ng pagmamahal, awa at pag-uunawa. Naririnig ng ating Panginoon ang bawat hinaing ng ating puso at isip. Nakikita rin Niya ang lahat ng ating pagsusumikap dulot ng ating pananampalatayang biyaya Niya. Sa Linggong ito, manalangin tayo. Maaring isulat dito kung ano ang iyong mga ipinapanalangin sa Panginoon. Hayaan ang mga mambabasa dito na makiisa sa bawat daing at hiling ninyo. At idudulog natin ang lahat ng ito sa ating Panginoon. Maaari ninyo ring isulat dito ang inyong mga sinagot na na mga panalangin. Sama-sama tayong magpasalamat at magpuri sa Kanya... - Bro. Jun-G Bargayo, SJ
Mahatma Gandi Ano ang iyong dinadalangin? May gusto ka bang ibahagi? Ingles man o Filipino --kahit Tag-lish-- share mo na sa ibaba! Prepare for the rest of the readings this July 25. Open your bible to: Genesis 18: 20-32 Colossians 2: 12-14 See you again next week! |
The more than 300 men of the Philippine Province of the Society of Jesus serve in five universities, numerous schools for basic education, two diocesan major seminaries, three urban and five rural parishes... (READ MORE)
Thank you for considering a donation to help our mission.
Your gift will be much appreciated and put to good use. Be assured, too, that you will be with us in our prayers, Masses and apostolic works, even as we also ask you to continue to pray for us.
Sincerely yours in the Lord,
JOSE C. J. MAGADIA, S.J.
Provincial
The more than 300 men of the Philippine Province of the Society of Jesus serve in five universities, numerous schools for basic education, two diocesan major seminaries, three urban and five rural parishes... (READ MORE)
Thank you for considering a donation to help our mission.
Your gift will be much appreciated and put to good use. Be assured, too, that you will be with us in our prayers, Masses and apostolic works, even as we also ask you to continue to pray for us.
Sincerely yours in the Lord,
JOSE C. J. MAGADIA, S.J.
Provincial