Mass Cards Online
| Si Marta ka ba o si Maria? (Maghanda para sa Hul. 18) |
|
|
|
|
Kasama si Bro. Jun-G at ang iba pang miyembro ng ating virtual community, ating pagmunihan ang Mabuting Balita sa darating na Linggo, Hulyo 18. Tignan natin ang ating buhay, at iharap natin ito sa Ebanghelyo...
Mula noon pa lamang, nais ko nang maglingkod sa Panginoon. Pagkatapos ko ng kolehiyo, hindi ako nagtagal sa pagtatrabaho bilang isang accountant at napagpasyahan ko nang maging isang lay missionary ng CFC Youth for Christ. Limang taon ako sa ganitong gawain at nadestino ako sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas pati na rin sa ibang bansa upang tumulong sa pagbuo ng mga kabataan sa Simbahan. Binigay ko ang aking sarili sa paglilingkod sa Panginoon at gusto kong ibuhos pa kaya pumasok ako sa Kapisanan ni Hesus. Ngunit, sa loob ng Kapisanan ni Hesus, ang mga pinagkakaabalahan ko ay hindi na ang mga nakagawian kong paraan ng paglingkod sa Kanya. Dati, lagi akong nasa labas at nag-oorganisa ng mga kabataan para sa mga gawain ng Simbahan. Ngayon, lagi na lang akong nasa loob ng silid-aralan at nag-aaral nang nag-aaral. Noong unang dalawang taon ko sa Kapisanan, ito ang lagi kong nirereklamo sa Panginoon. Sinasabi ko sa Kanya, “Kung lay missionary pa rin ako siguro, ang dami-dami ko nang nagagawa para sa ’Yo.” Ngunit pagkatapos kong magreklamo, ako'y nananahimik... at doon ko naririnig sa aking puso ang kanyang pag-alo, “Ginagawa mo rin naman ang mga ito para sa Akin.” Pakiwari ko, para akong si Marta sa Ebanghelyo na sinabihan ni Hesus, “Marta, Marta, naliligalig ka at abalang-abala sa maraming bagay, ngunit isa lamang ang talagang kailangan...” Ang ginagawa ko palang pag-aaral ay isang mahalagang bahagi ng paglilingkod ko sa Kanya. Parang ganito ang ginawa ni Maria sa Ebanghelyo: Naupo siya sa paanan ni Hesus at nakinig sa Kanyang itinuturo. Napagtanto ko na kailangan palang taimtiman din ang pag-aaral upang marami akong maibigay sa aking kapwa. Bilang isang seminarista, mahalagang mahalaga na base sa tamang teolohiya ang aking itinuturo sa sinumang lalapit sa akin at hihingi ng liwanag. Humigit-kumulang na pitong taon pang paghahanda ang igugugol ko sa pag-aaral bago maging ganap na pari. Gagawin ko ito kahit hindi ito gusto ng Martang nasa puso ko dahil sinasabi ng Mariang nasa puso ko rin na mahalaga ang makinig at matuto. Hindi lang pala ang aktibong pag-aabala ni Marta ang paraan ng paglilingkod sa Diyos. Ang tahimik na pakikinig ni Maria ay paglilingkod rin. Hindi lang pag-aaruga at pagmamahal ang kailangan sa paglilingkod sa Kanya. Kailangan din ng karunungan at kaalaman. May mga panahon sa buhay natin na kailangang maging mas Marta tayo. At may mga panahon din na kailangang maging mas Maria tayo. Sino ba ang nananaig sa puso mo ngayon? Si Marta ba o si Maria? Kung si Marta, subukan mong maglagay ng kaunting Maria. Kailan ka na bang huling tumigil at nag-retreat? Kung si Maria ka naman, subikan mo ring maglagay ng kaunting Marta. Ginagawa mo bang isabak sa buhay ang mga natutunan mo? - Bro. Jun-G Bargayo, SJ
May tanong ka ba tungkol sa Ebanghelyo ngayong Linggo? May gusto ka bang ibahagi? Ingles man o Filipino --kahit Tag-lish-- share mo na sa ibaba! Prepare for the rest of the readings this July 18. Open your bible to: Genesis 18: 1-10a Colossians 1: 24-28 Luke 10: 38-42 See you again next week! |
The more than 300 men of the Philippine Province of the Society of Jesus serve in five universities, numerous schools for basic education, two diocesan major seminaries, three urban and five rural parishes... (READ MORE)
Thank you for considering a donation to help our mission.
Your gift will be much appreciated and put to good use. Be assured, too, that you will be with us in our prayers, Masses and apostolic works, even as we also ask you to continue to pray for us.
Sincerely yours in the Lord,
JOSE C. J. MAGADIA, S.J.
Provincial
The more than 300 men of the Philippine Province of the Society of Jesus serve in five universities, numerous schools for basic education, two diocesan major seminaries, three urban and five rural parishes... (READ MORE)
Thank you for considering a donation to help our mission.
Your gift will be much appreciated and put to good use. Be assured, too, that you will be with us in our prayers, Masses and apostolic works, even as we also ask you to continue to pray for us.
Sincerely yours in the Lord,
JOSE C. J. MAGADIA, S.J.
Provincial