Mass Cards Online
| Tamang-tama lang ba o labis-labis na? (Paghahanda para sa ika-4 ng Hulyo) |
|
|
|
|
Masasabi mo ba na ang pamumuhay mo ay simple? O sobra na ba ang meron mo? Samahan si Bro. Jun-G Bargayo sa pagmumuni tungkol sa Ebanghelyo ng parating na Linggo...
Noong pumasok ako sa Kapisanan ni Hesus, binigyan kami ng listahan ng mga bagay na pwede naming dalhin sa nobisyado: anim na puting t-shirt, dalawang polo, tatlong pantalon, dalawang short pants, anim na pares ng medyas, dalawang pares ng rubber shoes at isang pares ng leather shoes. Hindi pwedeng magdala ng iba pang mga kagamitan maliban sa mga nabanggit sa listahan. Sa loob-loob ko, parang ang higpit yata ng Kapisanan. Dalawang taon din ako sa nobisyado at pakiwari ko, kulang na kulang ang nasa nasabing listahan. Nang matapos ang dalawang taon ko sa nobisyado, habang tinitingnan ko ang aking mga gamit sa aparador, nasabi ko sa sarili ko na tama lang pala na iyong mga nasa listahan lang ang aking dinala. Hindi sobra at hindi kulang. Kung noong nakaraang Linggo, tinalakay natin kung paano sumunod kay Hesukristo, sa parating na Linggo naman, sinasabi ni Hesus sa Ebanghelyo kung ano ang hindi natin kailangang dalhin kapag isinugo Niya tayo: “Humayo kayo!... Huwag kayong magdala ng lukbutan, supot, o panyapak…” Maaring mahirap. Parang salat. Nagpapahiwatig ng pagkapayak. Subalit kung tutuusin, malamang hango din ito sa sariling karanasan ni Hesus. Naranasan ni Hesus ang mga ipinagagawa Niya sa Kanyang mga alagad. Nilalarawan nga Siya bilang isang traveling preacher. Kaya naman alam na alam Niya kung ano ang dapat at hindi dapat dalhin sa paglalakbay. Tingnan mo ang pamumuhay mo ngayon: payak ba ito o may kalabisan? O bago pa man natin sagutin ang tanong na ito, baka ang tanong muna ay paano ko ba malalaman kung ano mang meron ako ay kulang, tamang tama lang o labis na? - Bro. Jun-G Bargayo, SJ
|
The more than 300 men of the Philippine Province of the Society of Jesus serve in five universities, numerous schools for basic education, two diocesan major seminaries, three urban and five rural parishes... (READ MORE)
Thank you for considering a donation to help our mission.
Your gift will be much appreciated and put to good use. Be assured, too, that you will be with us in our prayers, Masses and apostolic works, even as we also ask you to continue to pray for us.
Sincerely yours in the Lord,
JOSE C. J. MAGADIA, S.J.
Provincial