Mass Cards Online
| Paghahanda para sa Linggo (27 Hunyo 2010)... |
|
|
|
|
Binabasa mo ba ang Ebanghelyo bago ka magsimba tuwing Linggo? Mabuti kung ginagawa mo ito, pero hindi pa rin ito sapat. Kung gusto mo talagang maghanda para sa Misa, subukan mong pagdasalan ang Ebanghelyo para sa Linggo isang linggo bago nito. Samahan si Bro. Jun-G Bargayo at ang iba pang bumibisita rito sa pagmumuni...
Walong taong gulang ako noon, at meron akong alagang baboy. Araw araw, kumukuha ako ng mga dahon ng ipil-ipil upang tadtarin ni Mama at isama sa pakain nito. Isang umaga, habang tinatadtad ni Mama ang mga dahon ng ipil-ipil, nahiwa ng itak ang kanyang hintuturo, at nasugatan ito nang malalim. Dahil sa pangyayaring iyon, napagpasyahan ng aking mga magulang na ibenta na lang ang alaga kong baboy. Sa murang edad ko, wala akong magawa kundi ang sumunod na lamang sa kanila. Iniyakan ko iyon. May kirot palang kasama ang mawalay ka sa paboritong mong alaga. Noong labing-anim na taong gulang ako, nagtapos ako ng high school. Nagmumukmok ako sa araw ng graduation kasi magkakahiwalay na kami ng aking mga kaibigan pagdating sa kolehiyo. Naiyak din ako. May hapdi pala ang mahiwalay ka sa barkada mo. Dalawampu’t pitong taong gulang ako noong pumasok ako sa Kapisanan ni Hesus. Inihatid ako ng aking mga magulang at kaibigan sa Sacred Heart Novitiate. Iyak ako nang iyak. Walang hinto ang pagdaloy ng mga luha ko. Masakit pala ang mawalay ka sa mga minamahal mo sa buhay. Talagang masakit ang sugat ng pagkakawalay. Ngunit kinakaya pa rin ang hapdi nito dahil tinataya mong mas mahalaga ang kapalit. Ang hapding ito ay hatid ng hidwaan sa pagitan ng kagustuhang manatili sa kasalukuyang kinatatayuan, at ng pangangailangang lumisan dahil sa pananampalataya at paninindigan. Meron din ba kayong mga karanasan ng pagkawalay sa isang tao o lugar na mahalaga sa inyo? Ano ang naging kapalit ng sakit na dulot ng karnasang iyon? Sa ating Ebanghelyo sa darating na Linggo, may taong gustong tumalima kay Hesukristo ngunit hindi niya pa kayang iwan ang kanyang pamilya at mga kasambahay. May pagtutunggali sa kanyang puso: Siya ba ay lubusang susunod o mananatili na laman sa kanyang kasalukuyang kinatatayuan? Sinabi sa kanya ni Hesus, “Ang sinumang nag-aararo at palaging lumilingon ay hindi karapat-dapat sa paghahari ng Diyos.” Natapos ang Ebanghelyo na walang nakasaad kung tuluyan ngang sumama kay Hesus ang taong iyon o hindi. Kung ikaw ang taong iyon, ano ang iyong gagawin? Ano kaya ang tuluyang makapagpapasunod sa iyo kay Hesukristo? Ano rin kaya ang magiging balakid upang tuluyan kang tumalima sa Kanya? - Bro. Jun-G Bargayo, SJ Kapag nagbigay sa Diyos, kailangang lubos, buhos, ubos.May tanong ka ba tungkol sa Ebanghelyo ngayong Linggo? May gusto ka bang ibahagi? Ingles man o Filipino --kahit Tag-lish-- share mo na sa ibaba! Kung nais niyong basahin ang lahat ng mga gagamitin sa Liturhiya ng Salita para sa Hunyo 27, buksan ang inyong bibliya sa: 1 Kings 19:16b, 19-21 Galatians 5:1, 13-18 Luke 9:51-62 |
The more than 300 men of the Philippine Province of the Society of Jesus serve in five universities, numerous schools for basic education, two diocesan major seminaries, three urban and five rural parishes... (READ MORE)
Thank you for considering a donation to help our mission.
Your gift will be much appreciated and put to good use. Be assured, too, that you will be with us in our prayers, Masses and apostolic works, even as we also ask you to continue to pray for us.
Sincerely yours in the Lord,
JOSE C. J. MAGADIA, S.J.
Provincial
The more than 300 men of the Philippine Province of the Society of Jesus serve in five universities, numerous schools for basic education, two diocesan major seminaries, three urban and five rural parishes... (READ MORE)
Thank you for considering a donation to help our mission.
Your gift will be much appreciated and put to good use. Be assured, too, that you will be with us in our prayers, Masses and apostolic works, even as we also ask you to continue to pray for us.
Sincerely yours in the Lord,
JOSE C. J. MAGADIA, S.J.
Provincial